28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Bangsamoro Organic Law iba sa ARMM — BTC

- Advertisement -

Tiniyak ng BTC o Bangsamoro Transition Comission na iba ang nilagdaang BOL o Bangsamoro Organic Law sa umiiral na ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Iyan ang inihayag ni BTC Chairman at MILF Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar makaraang ihayag nito na may itinakda nang petsa ang Malakaniyang kaugnay ng gagawing ceremonial signing ng BOL.

Subalit tumanggi si Jaafar na ibigay ang petsa ng nasabing okasyon sa halip, sinabi nito na makabubuting hintayin na lamang ang Malakaniyang na siyang maghayag nito sa publiko.

Tumanggi ring idetalye ni Jaafar kung paano matitiyak sa publiko na kakaiba ang BOL sa ARMM dahil hindi aniya ito isang materyal na bagay na kinakailangang ipakita ang ebidensya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -