Bangkay ng babaeng nakasilid sa sako natagpuan sa Carmona, Cavite

by Powered by DWIZ
0 comment
Bangkay ng babaeng nakasilid sa sako natagpuan sa Carmona, Cavite

Isang bangkay ng babaeng nakasilid sa sako ang narekober sa Carmona, Cavite.

Ayon kay Patrolman Emerson Gusto, Police Investigator ng Carmona Police, nakatanggap sila ng tawag kahapon kaugnay sa masangsang na amoy mula sa ilalim ng tulay.

Nagmula sa isang malaking sako ang masangsang na amoy at nang buksan ay dito na tumambad ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima.

Nakasuot ang babae ng multi-colored stripes na damit, itim na shorts, may silver bracelet at nasa pagitan ng 5 at 5 feet 5 ang height.

Dinala na sa crime laboratory ang  labi upang matukoy kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito.

Related Posts