Bangkang pangisda ng North Korea sumalpok sa barko ng Japan

Bangkang pangisda ng North Korea sumalpok sa barko ng Japan

by Powered by DWIZ
0 comment 37 views

Sumalpok sa nagpapatrolyang barko ng Japanese fisheries agency ang isang bangkang pangisda ng North Korea habang nasa karagatan ng Japan malapit sa Noto Peninsula sa Ishikawa Prefecture.

Ayon kay Japan Coast Guard Spokesman Kazuma Nohara, nagpadala na sila ng mga rescue boat at aircraft sa lugar bagama’t wala pa siyang maibigay na karagdagang detalye sa insidente.

Batay sa ulat, bahagyang tumagilid ang barko ng North Korea matapos ng insidente at hindi rin matiyak ang sitwasyon ng nasa 20 tripulante nito.

Una nang pinaigting ng Japan coast guard ang kanilang pagpapatrolya kasunod ng mga ulat ng iligal na pangingisda ng mga North Korean sa kanilang karagatan.

0 comment

Related Posts