34.3 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

BAI blangko sa dahilan ng pagkamatay ng mga alagang baboy sa Rizal

- Advertisement -

Blangko pa ang Bureau of Animal Industry (BAI) kung anong sakit ang pumatay sa mga alagang baboy sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Ronnie Domingo, office-in-charge ng BAI, aabutin pa ng dalawang linggo ang pagdating ng resulta kapag nagpadala sila ng samples sa ibang bansa para sa kaukulang pagsusuri.

Sa ngayon anya ay mas prayoridad nila ang pagpapatupad ng mga hakbang para mapawi ang pangamba ng publiko at matiyak na hindi maaapektuhan ang suplay ng baboy sa merkado.

Sinabi ni Domingo na may mga nailagay na ring checkpoints upang matiyak na walang makakalabas na baboy sa apektadong lugar at naka-alerto na rin ang mga meat inspectors at veterinarian sa mga katayan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -