35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Bahay ng aktor na si Gerald Anderson nilooban

- Advertisement -

Kalaboso ang lalaking anak ng dating kasambahay ng aktor na si Gerald Anderson matapos pasukin ang bahay nito at tangkang pagnakawan sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Mark Joseph Capalla, 20-taong gulang at nakatira sa lugar.

Nabatid na tinanggal sa trabaho si Capalla noong Sabado bilang stay-in helper habang inalis naman bilang kasambahay ang ina ng suspek tatlong buwan na ang nakararaan.

Sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lang pumasok sa bahay ng aktor si Capalla sa Vista Real Classica Subdivision barangay Batasan kaya’t sinita ito ng mga guwardiya at personal assistant nito.

Mabilis namang sumaklolo ang taumbayan at pinagtulungang bugbugin ang suspek hanggang sa halos magsara na ang kanang mata nito at nagkulay-talong ang mukha.

Nakuha mula kay Capalla ang dalawang t-shirt, isang polo at isang sapatos na nagkakahalaga ng mahigit 5,000 pesos.

Nabatid na ilang beses nang nawalan ng mga gamit si Anderson, kabilang na ang mga damit ng aktor na nakikita pa umanong ipino-post ng suspek sa Facebook.

Halos hindi naman matanggap ni Anderson na pagnanakawan siya ni Capalla dahil may tiwala ito sa kanilang pamilya habang 6 na taon ding naglingkod sa kanila ang nanay ng suspek.

Inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban sa suspek.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -