29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Baguio: Sasakyan na mga PUJ sa Baguio may mga alituntonin

- Advertisement -

Inaasahan na tutugon ang mga publikong transportasyon kaugnay sa pagbubukas ng mga paaralan ngayong school year 2022-2023.  Ito ang pahayag ng Lokal na pamahalaan ng Baguio. Sinabi ni City Mayor Benjie Magalong katuwang ng lokal na gobierno ang Traffic and Transport Technical Working Group  at Baguio City Police Office Traffic Enforcement Unit upang maisakay ang mga mag-aaral at ang iba pang mananakay na ligtas mula  sa kanilang tahanan hanggang sa  kanilang patutunguhan.

Inaasahan din na magdaragdag pa ng units ang mga transport operators at maipaabot ang serbisyo nito hangang alas diyes ng gabi kung saan di lamang ang mga mag aaral ang magiging pasahero nito kundi ang mga nagtatrabaho sa mga business establishments.

Tinawagan din ng pansin ang mga ito na sumunod sa batas trapiko hingil sa loading at unloading ordinances ng lungsod upang mabawasan ang problemang pantrapiko sa lungsod. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo Credit: bpco-pio

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -