Baguio: Parangal sa isang empleyado ng Gobierno sa Medalya na nasaungkit sa Jakarta, Indonesia

0
0

Pinarangalan ng lokal na gobierno ng La Trinidad ang manlalaro na si Denesia Esnara noong Lunes na umaga na isang para-athlete.

Visit RPN DZBS Baguio

Pinamunuan ito ni Mayor Romeo Salda at ni Vice Mayor Roderick Awingan sa magkahiwalay programa sa loob ng La Trinidad Municipal building. Una sa Opisina ni Mayor Salda at ang pangalawa ay sa Sangguniang Pambayan Hall.

Ang parangal ay iginawad nila Mayor Salda at Vice Mayor Awingan kay Esnara matapos matamo niya ang bronze medal sa total lift at best lift ng PowerLifting Women’s 50-kilogram events sa katatapos lamang na ASEAN Para Games 2022 sa Surakarta, Indonesia.

Bago ito lumahok sa nasabing palaro, si Esnara ay isang PWD o person with disability at isang empleyado ng lokal na gobierno ng La Trinidad, Benguet sa ilalim ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Maliban sa La Trinidad, ang probinsiya ng Benguet ay nagpahayag din ng pagsuporta sa lahat ng manlalaro nito sa nasabing palaro. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photos courtesy of LGU La Trinidad)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here