30 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Baguio: Pabebenta ng mga pekeng honey pinahihinto

- Advertisement -

Baguio City – Ninanais ng Lokal na Gobierno ng Baguio ang pagpapahinto ng paglalako ng mga Pekeng Honey sa pamilihang bayan ng Baguio at sa ibang lugar ng nasabing lungsod. Sa direktiba ni Mayor Benjamin Magalong sa City Permits and Licensing, Public Order and Safety and Market divisions at sa Baguio City Police Office na hulihin ang mga naglalako ng pekeng Honey na ipinalalabas na tunay na honey.

Visit RPN DZBS Baguio

Humingi din ng tulong ang nasabing Punong Ehikotibo sa Food and Drugs Administration upang malaman ang tunay na honey sa mga pekeng honey. Ang hakbang ay isinagawa bilang tugon sa panawagan ng isang grupo ng Beekeepers sa lungsod dahil sa malawakang pagbebenta ng pekeng honey.

Sinabi nila na nararapat lang na mapahinto ang mga ito dahil sa banta ito sa kanilang ikinabuhay or sa Local bee industry sa lungsod.  Hiniling din ni Magalong sa Lokal na Konseho ang pagpapasa ng isang ordinansia na magbabawal sa pagtitinda ng pekeng honey at manatili lamang na nasa mercado ang 100 per cent na purong honey at di ang mga peke na may halong brown sugar at mabigyan ng pataw ng parusa sa mga lumabag sa panukalang batas. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio City)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -