Baguio: Huey Helicopter’s ng Philippine Air Force naghatid ng mga pagkain sa liblib na lugar sa Benguet

0
1

Kibungan, Benguet – Si Mayor Cesar Molitas, Mayor ng Kibungan, Benguet, ay nakipag-ugnayan sa   Philippine Air Force sa Tactical Operation na grupo at ang Kibungan Municipal Police station para maihatid ang mga pagkain na ibinigay ng Department of Social Welfare.

Visit RPN DZBS Baguio

Dahil sa paglindol napektado ang mga daanan papunta sa barangay Badeo at Tacadang Kibungan. Ang Tacadang at Badeo Kibungan ay nararating ito sa pamamagitan ng paglakad mula sa bayan. Kung lalakarin ito ay may anim hanggang wallo na oras na lakaran. Sa pagkarating ng pagkain sa nasabing lugar laking pasalamat ng mga tao at pasalamat kay Mayor Cesar Molitas.

Ayon kay Mayor  Molitas ginagawa nila ito bilang ama ng municipyo at tagapangasiwa sa bayan ng Kibungan. Hanggang ngayon tuloy pa rin ang paglinis sa mga kalye at sa hapon umuulan parati sa Benguet.  (Joel Cervantes, photos courtesy by Cesar Molitas)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here