Baguio: Halsema Highway sa Mt Data Cliff sa Bauko Mt. Province nabuksan na

0
0

(Bauko, Mt. Province) Ang  opisyal  ng lalawigan ng Mt. Province sa pamumuno ni Governor Bonifacio Lawasan Jr., ay nagpapasalamat sa mga tumolong para maalis  at matangal ang malaking slide na nahulog sa Mount Data Cliff, Monamom Sur, Mt. Province.

Ito’y nabuksan na pero di pa ito opisyal na madaanan. Laking pasalamat ni Governor Lacwasan Sa mga kawani ng Lepanto Consolidated Mining Company, DPWH Provincial Government ng Mt. Province, LGU ng Bauko, Mt. Province at sa lahat lahat na tumolong sa kanilang sipag at tiyaga para maalis ang nasabing slide.

Nagkatay ng baboy  ang kababayan natin sa Mt. Province ng isang  kultura at tradition na sinabing “Salpot”. Ito’y pasasalamat  sa simula ng pagbukas sa nasabing slide hanggang  matapos ay walang nangyari sa mga taong nagtrabaho at sa mga kagamitan na ginamit at  natupad na nagkasalubong na ang daanan.

Magbibigay din ng opisyal na pahintulot kung ito’y puede ng daanan. Ang daanan na ito ay pinakamabilis na daanan papunta sa municipyo ng Tadian, Sabangan, Sagada, Bontoc at Banaue Ifugao lalo na sa mga biahero. (RPN-BAGUIO/ JOEL CERVANTES)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here