Baguio: Gulay na donasyon ng mga magsasaka para sa nalindol sa Abra inihahanda

0
0

Buguias, Benguet – Ang mga magsasaka sa bayan ng Buguias, Mankayan, Bakun at kalapit na lugar sa Benguet ay nag ambag ambag na nagbigay ng gulay para may maipadala sa nalindol na kababayan sa probinsiya ng Abra.  Sa isang okasyon ng mga kapulisan sa Camp Molintas Mobile Force ay gumawa ng isang programa kung saan ang mga magsasaka na boluntaryong nagbigay ng donasyon na gulay.

Visit RPN DZBS Baguio

Sa panahon ito walang pera na ibibigay ng mga magsasaka, kaya ang kanilang gulay na ang kanilang  pinamigay. Ang Camp Molintas Mobile Force ang nakipag-ugnayan sa Local na gobyerno ng Buguias at Mankayan para makagawa ng tulong sa pagkolekta ng gulay upang maihatid sa apektado ng lindol kung saan ang centro nito noon Hulyo 27, 2022 ay sa Probinsiya ng Abra.

Ang local gobyerno ng Mankayan ay boluntaryo na umikot para sila ang humakot sa mga gulay na inihanda ng mga magsasaka sa kanilang mga barrio. Ang iba ay dinala sa municipyo para ito’y kanilang  ayusin bago ipadalasa Abra.

Di matatawaran ang ganito kaugalian ng mga magsasaka na tumolong sa mga nangangailangang ng tulong. Kabilang ang mga magsasaka ay pati rin ang mga indigenious na minero na pangkat. Walang pa-undangan na inihatid ang kanilang tulong na gulay a sa municpyo ng Mankayan. (Joel Cervantes, photo courtesy by Jerry Landacan Balodoy Totanes)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here