Baguio: City prepares for possible effects of Super Typhoon ‘Henry’

0
1

Ang City Disaster Risk Reduction Monitoring Council ng Lungsod ng Baguio, nakahanda na parating na bagyo. Ang City Disaster Risk Reduction Monitoring Council or CDRRMC at ang katuwang nitong  mga miyembro ng CDRRMC ay nakahanda na sa pagpasok ng Super bagyong Henry sa ating bansa sa possibling effecto nito.

Visit RPN DZBS Baguio

Ang CDRRMC, na pinamumunuan ni City Mayor Benjamin Magalong, ang nagsabi na inaasahan nilang magiging malakas ang pag ulan sa Araw ng Paggunita ng Charter Day ng Lungsod ng Baguio ngayong araw ng a primero ng buwan ng Septiyembre. Kung magkaganon man, sinabi ni Magalong na dapat lang na maghanda ang kinakaukulan upang makai was sa sakuna na dulot ng bagyong ito.  Karamihan sa mga sakunang nangyayari sa mga kabundukang tulad ng Baguio ay ang land slide, at flashflood at ang pagbagsak ng mga punong kahoy sanhi ng malalakas na hangin.

Sinabi ng isang tagapagsalita ng City Social Welfare and Development Office na nakahanda na ang mga evacuation centers sa sandaling kinakailangan ang mga ito. Kanyang idinagdag na ang pamunuan at mga tauhan ng City Engineering Office na namamahala ng pinakamalaking Evacuation Center sa lungsod particular na sa City Camp ay nakahanda sa kung anuman ang mangyari lalong lalo na sa mga nagbabagsakang kahoy at mga nakabarang bagay sa mga drainage canals.

Napag-alaman din ng RPN News Baguio na ang mga kawani ng City Health Services ay handa na ring tumugod sa mga masasaktan o kalintulad ng iba pang emergency. Samantala, nanawagan ang punong ihekutibo sa mga mamamayan ng lungsod na makiramdam at maging maalam sa ibubunsod ng nasabing bagyo at kung mga sakuna tulad ng land slide, flashflood o mga nasaktan, na mangyaring ito ay report agad sa lokal na gobierno. Sinabi ni Magalong na Mabuti na ang nakahanda kaysa magsisi sa bandang huli. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio City)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here