Baguio: Bilang ng mga sasakyan at motor sa emission testing sa La Trinidad, limitado

0
1

La Trinidad, Benguet – Pinabigay alam ng pamunuan ng isang emission testing center sa Puguis , La Trinidad, Benguet na malilimitahan ang bilang ng mga sasakyan at motor na mag papa smoke emission sa bawat araw.

Visit RPN DZBS Baguio

Ayon sa isang kawani ng CPP Emission Center, inabot ng hanggang gabi ang mga nagpa emission test dahil sa dumami nilang mga Kliyente.

Dagdag pa rito ang paghinto ng ibang Emission Testing Center sa nasabing Municipio.  Hindi sinabi ang dahilan kung bakit ang mga ito napahinto.

Gayon pa man, sinabihan ang mga nagnanais na magpa emission testing na magpatala o magpa schedule, First come, First serve.

Ang Smoke Emission Test ay isang dokumento na kailangan sa Land Transportation Office or LTO para sa mga iba’t ibang uri sasakyan at ng mga motorsiklo. (Joel Cervantes, photo courtesy of La Trinidad MPS)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here