33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Bagong talagang Ombudsman AJ Samuel Martires nagpaalam na sa Korte Suprema

- Advertisement -

Nagpaalam na sa Korte Suprema si Associate Justice Samuel Martires na una nang itinalagang Ombudsman ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Martires ay dumalo sa huling flag raising ceremony niya sa Korte Suprema.

Nagpasalamat si Martires sa kaniyang mga nakasama sa High Tribunal at Sandiganbayan sa suporta sa kaniya.

Pinayuhan ni Martires ang mga opisyal at empleyado ng Ombudsman na patuloy lamang sa kanilang pagtatrabaho at burahin na ang persecution complex na aniya’y nasa sistema na.

Sinabi ni Martires na priority niyang matutukan ang mga nakabinbing kaso sa Ombudsman.

“Patuloy lang ang trabaho dahil ang isang Ombudsman ay kaibigan ng taong-bayan, hindi lang ang nagrereklamo pati na rin ang inirereklamo, so we have to be fair, we have to remove that persecution complex na nananaig sa kultura ng mga prosecutor, alisin natin ‘yun.” Pahayag ni Martires

Bigyan natin ng pagkakataon ang mga inaakusahan na ibigay nila ang kanilang mga depensa. ” Ani Martires

Si Martires ay inaasahang uupo bilang Ombudsman sa Miyerkoles matapos ang inaasahang pag-apruba bukas ng Supreme Court En Banc sa kaniyang retirement.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -