Agad nagtalaga ang Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong Commanding General ng Philippine Air Force.
Sa kanyang liham sa Department of National Defense (DND) na may petsang December 5, sinabi ng Pangulo na itinatalaga niya si Lt. General Rozzano Briguez bilang bagong Commanding General ng Philippine Air Force.
Lt. Gen. Benjamin Madrigal, opisyal nang manunungkulan bilang bagong AFP Chief sa Disyembre 12; Lt. Gen. Rozzano Briguez, itinalaga naman bilang bagong Commanding General ng Philippine Air Force | via @jopel17 pic.twitter.com/K06ahYD7j0
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 6, 2018
Una rito, kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang maagang pagreretiro ni Philippine Air Force Commanding General Galileo Gerard Kintanar Jr.
Sa January 2020 pa dapat magreretiro si Kintanar subalit sa hindi sinabing dahilan ay napaaga ito sa edad ng singkwenta’y kwatro (54).
—-