35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Bagitong pulis itinuturong utak ng isang kidnap for ransom group

- Advertisement -

Isang pulis ang natukoy na utak ng kidnap for ransom group na dumukot sa isang matandang ginang sa Laguna noong July 29.

Ayon sa PNP-Anti Kidnapping Group, positibong itinuro ng biktima na lider ng grupo si PO1 Michael Umiping Cervo.

Napag-alaman ding pag-aari ni Cervo ang ginamit na safehouse sa purok kwatro barangay Tranca Bay Laguna .

Napag-alamang tatlong daang libong piso (P300,000) ang hinihinging ransom para sa paglaya ng biktimang si Bonifacia Arcita subalit naibaba ito sa isandaan at dalawampung libong piso (P120,000) matapos ang negosasyon.

Gayunman, pinatakas na lamang ng grupo ang biktima matapos matunugan na alam na ng pulisya ang insidente.

 (Ulat ni Jaymark Dagala)

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -