35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

BAC Chair, Members, Kakasuhan Sa Pag-Isnab Sa Defaulted Infra Project Probe

- Advertisement -

General Santos City – Nagbabala ngayon si City Councilor Franklin Gacal na sasampahan ng kaso ang mga department heads, opisyal at miyembro ng executive branch na patuloy sa pagtanggi na dumalo sa isinasagawang pagdinig kaugnay sa multi-million peso terminated infrastructure projects sa lungsod.

Sa panayam, mariing binatikos ni Gacal ang ipinalabas na memorandum ni City Mayor Ronnel Rivera na mahigpit na nagbabawal sa mga opisyal at miyembro ng Bids and Awards Committee on Infrastructure na dumalo sa pagsisiyasat ng SP Blue Ribbon Committee.

“I am warning these government officials that we have an ordinance. I will be forced to invoke this ordinance. I will file a case against them if they continue to refuse to attend sa hearing ng Sanggunian,” ang bahagi ng pahayag ni Gacal.

Una nang tumanggi sa imbitasyon ng komite sina Assistant City Legal Officer Marites Taniegra at City Accountant  Rhesababies Sumalpong, bunsod ng nabanggit na memorandum ni Rivera.

Ang ginagawang imbestigasyon ay bunsod nang audit report ng Commission on Audit kaugnay sa 20 mga defaulted proojects sa ilalim ng Rivera administration at ang kabiguan ng local government na mabawi ang ₱ 20,077,070.86 na “advance payment” sa mga kontraktors.

Una na ring iginiit ni committee chair, Atty. Dominador Lagare na “in-aid legislation” ang ginagawang pagdinig ng Sanggunian.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -