Babaeng pulis patay, kasamahan sugatan matapos pagbabarilin sa Zamboanga City

0
70

Isang babaeng pulis ang patay  habang sugatan ang kapwa nito  pulis matapos  pagbabarilin sa  Zamboanga City, kagabi.

Kinilala ang nasawing biktimang si Eva Lariaga na tinamaan ng bala sa leeg habang nasugatan sa kamay ang kasama nitong si SPO1 Freddie Teves.

Ayon kay Senior Insp. Ramon Bautista, hepe ng Zamboanga City Police- Station 8, sakay ang mga biktima ng kanilang kotse nang Paulanan ng bala ng  hindi pa kilalang salarin.

Inaalam na  kung may kaugnayan  ang pamamaslang sa trabaho ng mga biktima at sino ang posibleng nasa likod nito.