30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Awol na pulis at 11 pa kalaboso sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City

- Advertisement -

Tinatayang aabot sa 12 ang inaresto kabilang na ang isang pulis nang magsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng NPD o Northern Police District sa Navotas City.

Huli sa aktong humihithit pa ng shabu ang pulis na kinilalang si PO2 Michael Del Monte gayundin ang mga kasama nito sa isinagawang pagsalakay sa Market 3, Barangay North Bay Boulevard North sa naturang lungsod.

Sinasabing ilang buwan na umanong AWOL o Absent Without Official Leave si Del Monte na nakatalaga sa PCP o Police Community Precint 4 sa Caloocan, City.

Hindi inaasahan ng mga tauhan ng NPD si Del Monte lalo’t ang target ng operasyon ay ang mag-inang kinilala sa mga pangalang Melanie at Romeo na nabilhan ng humigit kumulang 3,000 pisong halaga ng shabu.

Nasamsam sa mga naaresto ang dalawampung pakete ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, baril at buy bust money.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -