Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

ASF outbreak kumpirmado sa 3 lugar sa Bulacan, Rizal — DA

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) ang pagkakaroon ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa tatlong lugar sa lalawigan ng Rizal at Bulacan.

Ayon kay DA spokesperson Noel Reyes, ang deklarasyon ng naturang outbreak ay base na rin aniya sa pag-anunsyo nila ng resulta sa pagsusuri ng blood sample ng mga nangamatay na baboy sa ilang lugar sa bansa.

Opisyal aniya na idineklara ang ASF outbreak partikular sa Guiguinto sa Bulacan; at Rodriguez at Antipolo sa Rizal.

Binigyang diin pa ni Reyes na patuloy ang kanilang pagmomonitor sa kanilang mga natatanggap na ulat at kanila pang pinaiigting ang quarantine protocols laban sa pagkalat ng ASF.

Samantala, magugunitang noong ika-9 ng Setyembre ay kinumpirma ng DA na 16 sa 20 blood samples mula sa mga baboy na kanilang ipinasuri ang nagpositibo sa ASF.

Related posts

Senado naka-lockdown ngayong araw

Powered by DWIZ

Dennis Uy inamin na malapit siya kay Pangulong Duterte

Powered by DWIZ

Muling pagbuhay sa Department of Education and Sports iminungkahi ni Atienza

Powered by DWIZ
Image default
Headlines National News

ASF outbreak kumpirmado sa 3 lugar sa Bulacan, Rizal — DA

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) ang pagkakaroon ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa tatlong lugar sa lalawigan ng Rizal at Bulacan.

Ayon kay DA spokesperson Noel Reyes, ang deklarasyon ng naturang outbreak ay base na rin aniya sa pag-anunsyo nila ng resulta sa pagsusuri ng blood sample ng mga nangamatay na baboy sa ilang lugar sa bansa.

Opisyal aniya na idineklara ang ASF outbreak partikular sa Guiguinto sa Bulacan; at Rodriguez at Antipolo sa Rizal.

Binigyang diin pa ni Reyes na patuloy ang kanilang pagmomonitor sa kanilang mga natatanggap na ulat at kanila pang pinaiigting ang quarantine protocols laban sa pagkalat ng ASF.

Samantala, magugunitang noong ika-9 ng Setyembre ay kinumpirma ng DA na 16 sa 20 blood samples mula sa mga baboy na kanilang ipinasuri ang nagpositibo sa ASF.

Related posts

PNP Chief Albayalde nag-inspeksyon sa Luneta at Divisoria

Powered by DWIZ

Pondo para sa COVID-19 vaccine ng bansa aabot sa P20-B

Powered by DWIZ

Pangulong Duterte planong ibalik ang family planning program

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More