28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Asawa ni Sanchez kinumpirmang nakausap nila si Faeldon — senate hearing

- Advertisement -

Kinumpirma ng asawa ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez na nakausap nila si Bureau of Correction (BuCor) chief Nicanor Faeldon.

Sa kanyang pagharap sa senado, sinabi ni Ginang Elvira Sanchez na nalaman nila ang napipinto sanang paglaya ng kanyang asawa sa pamamagitan ng isang anonymous text message.

Ayon kay Ginang Sanchez, nagpunta sila noong August 20 sa Bilibid subalit napagsabihan sila na hindi matutuloy ang paglabas ng kanyang asawa.

Nagbalik anya sila kinabukasan at nakausap nila si Faeldon kung saan sinabihan sila na hindi natuloy ang paglabas ni Sanchez dahil sa umiiral na ‘first in, first out’ policy.

Samantala, nang hingin ng mga senador ang numero ng nag text kay Ginang Sanchez, sinabi nitong nasira na ang kanyang cellphone dahil ibinato nya ito dahil sa init ng kanyang ulo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -