35.7 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Anti-dynasty bill muling inihain sa kamara

- Advertisement -

Muling inihain sa kamara ang anti-dynasty bill.

Ito ay matapos isulong ni Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado ang House Bill 1978 na nagbabawal sa political dynasty sa bansa.

Sa ilalim ng naturang panukala, hindi maaring tumakbo sa mga elective positions sa pamahalaan sa iisang lugar, at kasabay na eleksiyon ang asawa o sinumang may kaugnayan hanggang 2nd degree of affinity, lehitimo man o hindi ng kasalukuyang tumatakbo o naka-upong opisyal.

Habang, kung national position naman ang target ng incumbent official, diskwalipikado ang pamilya at kamag-anak nito sa pagkandidato sa probinsiya o lugar kung saan rehistrado ang opisyal.

Itinakda rin naman ng panukala na ang sinumang kandidato sa anumang elective position ay kailangang maghain ng sinumpaang salaysay sa COMELEC na mayroon o walang political dynasty relationship sa kumakandidato ring incumbent official.

Kaugnay nito, otomatiko namang ibabasura ng COMELEC ang certificate of candidacy o ang mismong proklamasyon ng kandidato sa sandaling matukoy na sangkot ito sa political dynasty.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -