Pagsama sa korupsyon bilang isa sa mga krimen na dapat patawan ng death penalty iminungkahi
November 19, 2018
Isang Lalaki Huli sa isinagawang buybust operation
November 19, 2018
Show all

DZKI Iriga
ANIM NA PULIS SUGATAN SA PANANAMBANG NG MGA NPA SA CAMARINES SUR

IRIGA CITY – Pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army ang nasa likod ng pananambang kahapon sa convoy ng joint medical mission sa Brgy.

Mabulo Nuevo, Libmanan, Camarines Sur na nagbunga upang masugatan ang anim na pulis.

Kinilala ang mga sugatang sina PO3 Roland Hermogeno; PO1 Vladimir Guadalupe; PO1 Roy Carbonell; PO1 Eliseo Jomar Palaroan; PO1 Mikhail Jose Concina; at PO1 Daisy Bhel Genova.

Ang joint medical mission ay binubuo ng mga pulis mula first mobile company, mga sundalo mula sa 9th infantry division at mga doctor mula sa Bicol Medical Center upang gamutin ang mga kapus nating kababayan.

Sinabi ng inpormante ng Radyo Ronda na habang binabaybay ng grupo an kahabaan ng hi-way sa may sitio patag ng naturang barangay bigla na lamang may sumabog na improvised explosive device (IED) kung saan sinundan pa ng mga putok mula sa panig ng mga rebelde.

Agad namang gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagtakas ng mga pinaniniwalaang NPA.

Nagtamo ng sugat ang anim na mga PNP Personnel na kaagad naman na isinugod sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang pursuit operation ng pinag-isang pwersa ng PNP at AFP upang tugisin ang tumakas na mga miyembro ng makakaliwang grupo.

 

_Melvin Barayoga_

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *