Angkas nag-alok ng libreng sakay sa mga LRT-2 commuters

Angkas nag-alok ng libreng sakay sa mga LRT-2 commuters

by Powered by DWIZ
0 comment 51 views

Libreng sakay ngayon ang alok ng motorcycle ride-hailing app na ‘Angkas’ para sa mga commuters na apektado ng limitadong operasyon ng LRT-2.

Mararanasan ang naturang libreng sakay mula Santolan hanggang Recto (at vice versa) mula ngayong Martes hanggang sa darating Huwebes mula 8 a.m. hanggang 10 a.m. at mula 5 p.m. hanggang 7 p.m..

Samantala, nagpatupad naman na ngayong araw ng partial operations ang LRT-2 mula Cubao hanggang Recto (at vice versa) na ilang araw ding nagsara matapos masunog ang dalawang rectifiers nito.

0 comment

Related Posts