Angat dam bahagyang tumaas ang lebel ng tubig

Angat dam bahagyang tumaas ang lebel ng tubig

by Powered by DWIZ
0 comment 15 views

Bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat dam makalipas ang 24 oras.

Ayon sa PAGASA hydrology division, pumalo na sa 185.12 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam mula sa 184.93 meters kahapon.

Samantala .09 meters naman ang itinaas ng antas ng tubig sa La Mesa dam na mula sa 77.37 meters kahapon ay nasa 77.46 meters na ngayon.

Nadagdagan din ang tubig sa Ipo dam, Binga dam, San roque dam at Pantabangan dam.

Nabawasan naman ang antas ng tubig sa Ambuklao dam, Magat dam at Caliraya dam.

0 comment

Related Posts