35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Andanar naniniwalang walang ‘chilling effect’ sa media ang naging pag-aresto kay Ressa

- Advertisement -

Naniniwala ang Malakanyang na walang chilling effect sa media ang naging pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa.

Matatandaang inaresto si Ressa dahil sa kasong libel ngunit nakalaya din matapos na makapagpiyansa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, kahit tanungin ang iba’t ibang grupo ng media workers sa buong bansa ay kumpiyansa siyang walang anomang takot ang mga ito sa sinasabing pagsupil sa karapatan sa pamamahayag.

Binigyang diin pa ni Andanar na walang kinalaman ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkaaresto kay Ressa dahil ang kaso ay isinampa ng pribadong indibwal.

Hinamon pa ni Andanar ang international media na pumunta dito sa Pilipinas para sila mismo ang magtanong sa mga lokal na media.

Matatandaang pinalagan ng maraming international media group ang pag-aresto kay Ressa na di umanoy pag atake sa press freedom.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -