Amir Khan pumayag nang harapin si Manny Pacquiao

Amir Khan pumayag nang harapin si Manny Pacquiao

by Powered by DWIZ
153 views

Pumayag na si Amir Khan sa deal na harapin si Senador Manny Pacquiao sa Riyadh, Saudi Arabia sa huling bahagi ng taon.

Kasunod ito ng pagpapabagsag ni Khan sa Australian Boxer na si Bill Dib sa laban nila sa Jeddah noong July 13 para makuha ang WBC international welterweight title.

Ipinaalam ni Khan sa British Media na itinakda sa November 8 ang sagupaan nila ng pambansang kamao.

Tiwala si Khan na matutuloy ang laban nila ni Pacman na ilang taon nang pinag uusapan, anuman ang maging resulta ng laban ng senador kay Keith Thurman sa araw ng linggo.

Si Pacman ay may record na 61 wins, 7 loss at 2 draws sa 24 na taong professional career nito habang si Khan ay may kartadang 34 na panalo at limang tao.

0 comment

Related Posts