Ambassador ng PH sa Canada nakabalik na ng bansa

by Powered by DWIZ
0 comment
Ambassador ng PH sa Canada nakabalik na ng bansa

Nakabalik na ng bansa si Ambassador from the Philippines to Canada Petronila Garcia kaninang umaga.

Ayon kompirmasyon ng Bureau of Immigration (BI), dumating si Amb. Garcia kaninang 3:56 a.m sa NAIA Terminal 1 sakay ng Philippine Airlines flight PR119 mula sa Toronto, Canada.

Samantala, hindi nagbigay ng anumang pahayag ang ambassador.

Matatandaang nitong Huwebes, ipinag-utos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-papauwi sa Pilipinas sa mga opisyal ng embahada ng bansa sa Canada.

with report from Raoul Esperas (Patrol 45)
—–

Related Posts