Ama ni Martin Andanar itinalaga bilang special envoy to Malaysia

0
45

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Interior Undersecretary Wencelito Andanar, ama ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar bilang special envoy to Malaysia.

Batay sa ipinalabas na appointment letter ng Malakanyang ngayong araw, maninilbihan ang nakatatandang Andanar bilang special envoy sa loob ng anim na buwan.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment ni Andanar noon pang Agosto 9.