Alegasyon ni Lacadin kay Albayalde ‘mabigat’ — SP Sotto, Gordon

Alegasyon ni Lacadin kay Albayalde ‘mabigat’ — SP Sotto, Gordon

by Powered by DWIZ
0 comment 24 views

Mabigat ang pinanghahawakang ebidensiya ng Senado laban kay Philippine National Police Chief Gen. Oscar Albayalde.

Ito ay kaugnay ng pagdinig ng Senado kahapon, kung saan isiniwalat ni dating Central Luzon Regional Police Chief Rudy Lacadin na tinawagan siya ni Albayalde upang tanungin ang estado ng kaso ng kaniyang mga tauhan.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, mahirap isantabi ang ganitong pahayag lalo’t patuloy na iginigiit ni Albayalde na wala siyang kinalaman sa pagkaka-dismiss sa kaso ng kaniyang mga tauhan.

Ibinunyag din ni Lacadin na sinabi sa kanya ni Albayalde na maliit lang ang nakuha nito sa ma-anomalyang drug operation na ikinasa ng kaniyang mga tauhan.

Matatandaang sangkot ang 13 Pulis-Pampanga sa kuwestiyunableng drug operation kung saan bukod sa kulang ang idineklarang halaga ng droga ng mga pulis, lumalabas din na binayaran ang mga ito ng P50-million  kapalit nang paglaya ng suspek na si Johnson Lee.

Dahil dito, sinabi naman ni Senador Richard Gordon na labis niyang ikinagulat ang akusasyon ni Lacadin.

Aniya, halos mahulog siya sa kaniyang upuan dahil sa gulat sa bigat ng mga binitiwan nitong paratang laban kay Albayalde.

Gayunman, mariin namang itinanggi ni Albayalde ang mga alegasyon at sinabi nitong pinagkaka-isahan lamang siya upang siya ang madiin sa isyu.

0 comment

Related Posts