31.6 C
Manila
Sunday, May 29, 2022

Alegasyon ni Joma Sison na na-coma ang Pangulo pinabulaanan ng Palasyo

- Advertisement -

Itinanggi ng Malacañang na nasa coma ang Pangulong Rodrigo Duterte tulad ng sinasabi ni Jose Maria Sison ng Communist Party of the Philippines o CPP.

Una rito, sa Facebook page ni Sison, sinabi nitong nakatanggap siya ng impormasyon na nasa coma ang Pangulo simula nitong Linggo ng hapon.

Ayon aniya sa mga nakakita sa Pangulo sa national convention ng Lex Talionis Fraternitas noong Sabado, lumala ang pangingitim ng mukha ng Pangulo kumpara noong Biyernes at mabuway na rin ito sa kanyang pakikipagkamay at paglalakad.

Kinontra ito ni Presidential Spokesman Harry Roque dahil inabot pa aniya ng hatinggabi sa okasyon ang Pangulo kasama si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Sinabi ni Roque na napakalayo ni Joma Sison para siya pa ang unang makaalam kalagayang pangkalusugan ng Pangulo.

Binigyang diin ni Roque na binigyan na ng clean bill of health ng kanyang doktor ang Pangulo noong huling magpacheck-up ito.

Iginiit ni Roque na walang sakit ang Pangulo kaya’t hindi kailangan ng full disclosure ng kalagayan ng kanyang kalusugan na siyang isinasaad ng Konstitusyon.

Aminado si Roque na dalawang linggong mananatili sa Davao City ang Pangulo subalit makikita rin siya sa National Heroes Day sa August 27 at isa pang okasyon sa Cebu.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -