Albayalde nanguna sa groundbreaking ceremony ng bagong counter terrorism training center

Albayalde nanguna sa groundbreaking ceremony ng bagong counter terrorism training center

by Powered by DWIZ
0 comment 18 views

Pinasinayaan ng Philippine National Police (PNP) ang bagong regional counter terrorism training center na naglalayong palakasin ang mga kapulisan laban sa terorismo.

Pinangunahan naman ni PNP Chief Oscar Albayalde ang groundbreaking ceremony kasama ang US Ambassador to the Philippines na si Sung Kim, na ginanap sa Philippine National Police Academy (PNPA) grounds camp Castaneda sa Cavite.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, ang naturang pasilidad ay magandang development sa hanay ng PNP para mapalakas pa ang kakayahan ng mga bagitong pulis na labanan ang mga terorista sa bansa maging sa buong mundo.

Samantala, ang nasabing pasilidad ay kabilang sa nilagdaang kasunduan nina Albayalde at US embassy deputy chief of mission John Law nakaraang buwan. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

0 comment

Related Posts