Albayalde kailangan ng magaling na abogado para makalusot sa kinahaharap na kontroberisya — Gordon

Albayalde kailangan ng magaling na abogado para makalusot sa kinahaharap na kontroberisya — Gordon

by Powered by DWIZ
0 comment 17 views

Kakailanganin ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde ng napakagaling na abogado upang malusutan nito ang kaniyang kinahaharap na kontrobersiya.

Ito ang iginiit ni Senador Richard Gordon kaugnay ng ikinasang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committe kahapon ukol sa isyu ng ‘ninja cops’.

Ayon kay Gordon, tila nabibigyan na ng linaw at napagtatagpi-tagpi na nila ang mga ebidensiya na magpapatunay na may kinalaman si Albayalde sa ma-anomalyang drug operations na ikinasa noong 2013.

Una rito, parehong inakusahan nina dating PNP-CIDG Chief Benjamin Magalong at PDEA Chief Aaron Aquino si Albayalde na namagitan umano sa kaso ng mga pulis na nagsagawa ng nasabing drug operation.

Samantala, sinabi din naman ni dating CIDG Deputy Director for Operations Rudy Lacadin na inamin sa kaniya ni Albayalde na kaunti lamang ang natanggap nito sa naturang drug operations.

0 comment

Related Posts