Albayalde iginiit na hindi siya magreretiro ng maaga

Albayalde iginiit na hindi siya magreretiro ng maaga

by Powered by DWIZ
0 comment 21 views

Iginiit ni Philippine National Police o PNP Chief General Oscar Albayalde na hindi siya magreretiro ng maaga.

Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na base sa ipinadalang text message sa kanya ni Albayalde, hihintayin nito ang mismong araw ng kanyang pagreretiro sa Nobyembre 8.

Paglilinaw ng PNP chief, “na-misquote” lamang siya dahil ang maaga aniyang gagawin ay ang pagpasa nito ng pwesto sa magiging susunod na hepe ng pambansang pulisya.

Dahil dito, mapapaaga aniya ang kanyang pagbaba sa pwesto sa October 29 ngunit hindi umano ang kanyang pagreretiro.

0 comment

Related Posts