29.6 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Akusasyon ukol sa Isyu sa WPS pinalagan ng AFP

- Advertisement -

Pinalagan ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang akusasyong wala itong ginagawa sa nangyayaring developments sa West Philippine Sea kung saan naglagay na ang China ng ilang instilasyon.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. General Edgard Arevalo, nag momonitor ang buong sandatahang lakas sa mga pagkilos sa naturang teritoryo ngunit nanatili itong tahimik upang hindi magkaroon ng tensyon.

Nakatatanggap din aniya ng mga ulat ukol dito ang chief of staff at iba pang opisyal ng gobyerno.

Una nang sinabi ng gobyerno na biniberipika na nito ang weather stations na inilagay ng China sa ilang isla ng Spratlys bago maghain ng kaukulang diplomatic protest.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -