Libyan authorities ginagawa na ang lahat para mapalaya ang 3 Pinoy na dinukot doon
August 4, 2018
1-milyong pisong pabuya laban sa apat na ipinaaarestong dating kongresista ini- alok ng isang grupo
August 4, 2018
Show all

DXDX GenSan
Akosasyon laban kay DOLE Chief Bello walang kabuluhan

General Santos City – nagpahayag ng todo suporta ang isang Overseas Filipino Workers Organization dito sa Lungsod ng Heneral Santos may kinalaman sa akosasyon na ibinabato laban kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre “Bebot” lll.

Binatikos si Sec. Bello ng isang nagngangalang Amanda Araneta ng MMML Recruitment Services Inc., kung saan umakyat pa ito sa korte hinggil sa mga kapalpakan umano na nagawa ng Kalihim.

Subalit, pinabulaanan ng AKO OFW, isang ADVOCATES AND KEEPERS ORGANIZATION OF OFWS Inc., at sinabi sa pamamagitan ng kanilang National President si Marcia Gonzales Sadicon na baseless ang paratang na itinapon laban sa nasabing Kalihim.

Batay sa tunay na pagkatao ni Secretary Bello at sa lahat na kapasidad nito mula ng ito ay na-Iloklok sa serbisyo publiko, tunay at mapagkatiwalaan si Bello dahil apat na Presidente ng Pilipnas itong nanunungkolan at unang-una rito ay nagingging Kalihim ng Department of Justice noong 1992 sa panahon ni Presidente Corazon Aquino at naibalik sa DOJ bilang Kalihim noong 1998 sa panahon ni Pesidente Fidel Ramos, ayon ni Sadicon.

Marami pang aspeto sa pagkatao ni Sec. Bello na hindi kayang sirain ng kahit sinong tao dahil proven sa lahat ng bagay at sa tungkulin na kanyang nagawa gaya na lang sa papel nIto sa pakikipag-usap ng kapayapaan sa makakaliwang grupo ng CPP-NPA NDPF, dagdag ni Sabicon.

Ilalim sa adminitrasyong ito ni Pangulong Duterte, makikita ang seryosong trabaho na ginagampanan ni Sec. Bello gaya sa pagresulba sa “endo,” at ang seryosong hakbang na wakasan ang korapsyon sa gobyerno, sabi ni Sadicon.

Nanawagan si Sadicon sa lahat na nagmamahal sa tunay na serbisyo na tingnang maiigi ang pagkatao ni Sec. Bello at huwag paniniwalaan ang mga paratang laban sa kanya.

Si Bello ay isang tao na may inyegridad na kayang humarap kahit kanino na walang reserbasyon dahil siya ay tunay sa kanyang pagkato at seryoso sa kanyang trabaho para sa kapakanan ng buong sambayanan, dagdag ni Sadicon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *