34.3 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

AFP umapela ng kooperasyon sa publiko

- Advertisement -

Umapela ang AFP o Armed Forces of the Philippines sa publiko ng kooperasyon sa gitna ng isinasagawa nilang mas pinaigting na operasyon laban sa ISIS-inspired terorrist group sa Maguindanao.

Ayon sa JTFC o Joint Task Force Central, determinado sila na mapuksa ang mga naturang grupo ng nagdudulot ng takot at panganib sa mga mamamayan.

Hangad din aniya nila ang pakikipagtulungan ng mga mamamayan para tuluyan nang makamit ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang lugar.

Samantala, nagpaalala rin ang task force central na huwag magpalinlang sa mga mapagkunwaring pangako mula sa mga teroristang grupo at agad na makipag-ugnayan sa mga otoridad kung may mga kahina-hinalang mga aktibidad sa kanilang mga lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -