AFP nagbabala sa mga sundalong nagbabalak mag-aklas sa pamahalaan

by Powered by DWIZ
0 comment
AFP nagbabala sa mga sundalong nagbabalak mag-aklas sa pamahalaan

Hindi hahayaan ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magmula sa kanilang hanay ang mga puwersang magkakasa ng kudeta laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagtitiyak ni AFP Spokesman na si Marine B/Gen. Edgard Arevalo, nananatili ang kanilang katapatan sa pangulo bilang kanilang commander-in-chief na pinagtitibay ng saligang batas at watawat ng bansa.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Arevalo na wala pa naman silang natatanggap na anumang ulat hinggil sa ilang kabaro nila sa militar na nagbabalak mag-aklas.

Gayunman, sinabi ni Arevalo na kung mayroon man sa kanilang hanay ang nagbabalak ng gayung hakbang, makabubuting huwag na iyong ituloy dahil tiyak na may kaparusahang naghihintay sa mga ito.

Sinumang sundalo ang mag-aaklas sa pamahalaan ay maaaring kasuhan ng paglabag sa articles of war, AFP code of ethics maging sa AFP core values of honor, service and patriotism na isasailalim naman sa military court martial.

Related Posts