Turn over ceremony para sa Balangiga Bells naisagawa na
December 15, 2018
2 kuta ng CPP-NPA na gagamitin para sa kanilang 50th anniv nakubkob
December 16, 2018
Show all

AFP hindi magpapatupad ng holiday ceasefire

Nanindigan ang AFP o Armed Forces of the Philippines sa kanilang rekomendasyon na huwag magpatupad ng SOMO o Suspension of Military Operations ngayong kapaskuhan.

Ito ay sa kabila ng pagdedeklara ng unilateral ceasefire o tigil putukan ng CPP o Communist Party of the Philippines ngayong holiday season.

Ayon kay AFP Spokesman Col. Noel Detoyato, naniniwala silang kapag nagdeklara ng tigil putukan ang pamahalaan, gagamitin lamang ito ng CPP-NPA para magpalakas ng pwersa at kumuha ng mga bagong armas.

Dagdag ni Detoyato, sa mga nakalipas na taon ng pagdedeklara ng tigil putukan, kanilang napatunayang hindi naging seryoso ang mga rebelde dito.

Comments are closed.