Presyo ng loaf bread inaasahang bababa
December 6, 2018
Bagong Commanding General ng PAF pinangalanan na
December 6, 2018
Show all

AFP hindi magdedeklara ng holiday truce sa unang pagkakataon

Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi magdedeklara ng tigil putukan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi nila hahayaang magamit ng CPP-NPA ang SOMO o suspension of military operations para ipagdiwang ang kanilang anibersaryo sa December 26.

Sa panig ng Armed Forces of the Phillippines (AFP), sinabi ni Brigadier General Edgard Arevalo, Spokesman ng AFP na batay sa kanilang karanasan, hindi sinsero ang CPP-NPA kapag nagdedeklara ng ceasefire tuwing Disyembre.

Ginagamit lamang anya nilang oportunidad ang ceasefire para sa kanilang kriminal na aktibidad tulad ng pang ha harass at pangingikil.

Matatandaan na tila naging tradisyon na sa magkabilang panig ang magdeklara ng tigil putukan bilang bahagi ng selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

—-

 

 

 

 

Comments are closed.