5 sundalo patay sa engkuwentro sa Patikul Sulu
November 19, 2018
‘Samuel’ napanatili ang lakas; signal no.1 nakataas na sa 4 lugar
November 19, 2018
Show all

Aduana pabor na manghimasok na ang Palasyo sa congestion problem

Pabor ang Aduana Business Club sa panukalang panghimasukan na ng Malacañang ang problema sa congestion sa Port of Manila.

Ayon kay Aduana Business Club President Mary Zapata, maituturing aniyang isang welcome development kung makikialam na ang Palasyo para resolbahin ang nasabing usapin.

Lalo’t malaki na aniya ang nalulugi sa ekonomiya ng bansa mula sa pagbubuwis dahil sa mga hindi pa maibababang karagamento mula sa mga barko.

Magugunitang, una nang inanunsyo ng ilang grupo ng mga brokers at trackers ang pagkakasa ng truck holiday simula ngayong araw.

Sinabi ni Zapata, layon nitong ipaabot sa mga kinauukulang ahensiya ang kanilang kinakaharap na hirap sa operasyon ng shipping lines sa Port of Manila.

Binigyang diin pa ni Zapata, tatagal ang truck holiday hangga’t walang solusyon sa kanilang mga daing.

—-

 

 

 

Comments are closed.