Acierto posibleng makasuhan ayon kay Pangulong Duterte

by Powered by DWIZ
0 comment
Acierto posibleng makasuhan ayon kay Pangulong Duterte

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring makasuhan ng high treason si dating police coronel Eduardo Acierto dahil sa pagbebenta ng AK47 na armas sa New People’s Army.

Ayon sa pangulo, mabigat ang kasong haharapin ni Acierto dahil ang mga armas ay para sana sa government security forces na ibinenta sa mga kalaban ng estado.

Bumuwelta pa ang pangulo sa pagsasabing si Acierto pa ang may lakas ng loob na magpakalat ng black propaganda laban sa kaniya sa pamamagitan ng paglalabas ng video na nagdadawit pa sa kaniyang bunsong anak na si Veronica na isa umanong drug lord.

Related Posts