Radio Philippines Network
Headlines National News

‘Accessory after the fact’, ang maaring kaugnayan ni Albayalde sa imbestigasyon sa ninja cops — Lacson

Maaaring maging accessory after the fact si PNP Chief General Oscar Albayalde kaugnay sa isyu ng ninja cops.

Ito ang ipinahayag ni Senator Panfilo Lacson, matapos iprisinta kahapon sa huling imbestigasyon ng Senado kaugnay sa GCTA at ninja cops

Aniya, ang mga karagdagang testimonya at dokumento na kanilang nakalap ay nagpapalakas umano sa mga naunang circumstantial evidence ng Senado.

Kung saan isiniwalat rin ni Retired General Rudy Lacadin, na tinawagan siya ni Albayalde at sinabing konti lang ang napunta sakanya sa naganap na drug operation sa Pampanga noong taong 2013.

Iginiit naman ni Lacson na napagkonekta na nila ang mga pangyayari para makabuo ng konklusyon kaugnay sa usapin ng pagcover up sa mga pulis na sangkot sa agaw bato at drug recycling sa pangunguna ni Major Rodney Baloyo.

Related posts

Habambuhay na diskawilipikasyon inirerekomenda laban kay ex-Sen. Osmeña

Powered by DWIZ

Dalawang Chinese arestado sa pagdukot sa kapwa Chinese

Powered by DWIZ

Pagkakahirang ng Mislatel bilang third telco walang epekto — Escudero

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More