Aabot sa 40,000 katao ang posibleng masawi kapag nagka magnitude 6.5 na lindol sa Metro Manila — PHIVOLCS

Aabot sa 40,000 katao ang posibleng masawi kapag nagka magnitude 6.5 na lindol sa Metro Manila — PHIVOLCS

by Powered by DWIZ
0 comment 27 views

Humigit kumulang 40,000 katao ang posibleng masawi sa oras na tumama ang magnitude 6.5 hanggang 7.2 na lindol sa Metro Manila.

Ito’y ayon kay Ishmael Narag, Officer-in-Charge ng PHIVOLCS Seismological Observation.

Ayon kay Narag, batay sa kanilang risk analysis project report, posibleng 40,000 katao ang masawi sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Cavite at Laguna.

Aniya, ito ay kung magkaroon ng magnitude 6.5 hanggang 7.2 na lindol sa west valley fault kung saan sakop nito ang ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig probinisya tulad ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.

Dagdag pa nito, humiling na ang PHIVOLCS ng karagdagang instrumentation devices para sa paligid ng west valley fault upang makakalap ng impormasyon sa paggalaw ng lupa.

0 comment

Related Posts