9 na mga simbahan at kapilya sa Intramuros bukas ngayong Holy Week

by Powered by DWIZ
0 comment
9 na mga simbahan at kapilya sa Intramuros bukas ngayong Holy Week

Target ng Intramuros administration na magbalik ang mga mananapalataya at turista sa Intramuros Manila ngayong Semana Santa.

Ayon kay Intramuros Administrator Guiller Asido, kung pagbabatayan ang kasaysayan, sentro aniya ng pananampalataya at puntahan tuwing Semana Santa ang Intramuros.

Ito ang dahilan kaya sa kauna-unahang pagkakataon, siyam na simbahan at kapilya sa loob ng Intramuros ang bubuksan sa publiko kasabay ng paggunita ng Mahal na Araw.

Mula alas -8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria bukas ang Manila Cathedral, San Agustin Parish Church at Guadalupe Shrine sa loob ng Fort Santiago.

Gayundin ang mga chapel ng Knights of Columbus Building, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Mapua University, Lyceum of the Philippines University, Colegio de San Juan de Letran at BIR building.

Maglalagay din ng mga stations of the cross sa kahabaan ng General Luna Street mula Beaterio hanggang Muralla Street.

Magkakaroon din ng prusisyon at programa ng penetencia sa Plaza Roma sa harapan ng Manila Cathedral sa Huwebes Santo.

—-

 

 

 

Related Posts