8484 text hotline inilunsad ng Customs

by Powered by DWIZ
0 comment
8484 text hotline inilunsad ng Customs

Inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) ang text hotline na 8484.

Ayon sa Customs, ang naturang numero ay maaaring padalhan ng mga report ng publiko kaugnay sa mga opisyal at empleyado ng BOC na sangkot sa iligal na aktibidad.

Kabilang na rito ang mga broker, importer at fixer na posibleng sangkot sa smuggling, bribery at iligal na droga.

Kaugnay nito, hinihikayat ng BOC ang publiko na huwag matakot sa pagpapadala ng kanilang sumbong.

Ito anila ay mas makatutulong para kanilang malabanan ang kurapsyon sa kanilang hanay.

Magiging operational ang 8484 hotline nang 24/7 para sa mga subscriber ng Globe at TM.

Related Posts