8 suspek sa pagpatay kay Mayor Bote kinasuhan na

by Powered by DWIZ
0 comment
8 suspek sa pagpatay kay Mayor Bote kinasuhan na

Kinasuhan na ng Department of Justice (DOJ) ang walong suspek sa pagpatay kay General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ayon sa DOJ, nakitaan ng sapat na batayan para sampahan ng kasong murder ang contractor na si Christian Saquilabon, umano’y mga gunman na sina Florencio Suarez at Roberto Gumatay, spotter na si Junjun Fajardo at apat na iba pa.

Kasunod nito, inaasahang maipalalabas na ang warrant of arrest laban sa walo.

Magugunitang Hulyo ng 2018 nang pagbabarilin si Bote habang sakay ng kanyang kotse palabas ng National Irrigation Administration Office sa Cabanatuan City.

——

Related Posts