7 katao patay sa suicide bombing sa North Sinai Egypt

by Powered by DWIZ
0 comment
7 katao patay sa suicide bombing sa North Sinai Egypt

Patay ang pito (7) katao habang dalawampu’t anim (26) ang sugatan sa pagsabog sa North Sinai, Egypt.

Batay sa ulat, kabilang sa nasawi ang apat na security forces ng Egpyt matapos magpasabog ang isang suicide bomber.

Hinihinalang isang 15-anyos ang naturang suicide bomber na nagpasabog sa sarili sa palengke malapit sa police station sa bayan ng Sheikh Zuweid.

Inako naman ng grupong ISIS ang nasabing insidente at pinuri pa ang batang gumawa nito.

—-

 

 

 

 

Related Posts