7 hanggang 8 Duterte cabinet members nakatakdang magbitiw sa puwesto

7 hanggang 8 Duterte cabinet members nakatakdang magbitiw sa puwesto

by Powered by DWIZ
53 views

Nasa pito hanggang walong cabinet members ng Duterte administration ang nakatakdang magbitiw sa puwesto.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang mga ito ay nagbabalak na tumakbo sa 2019 midterm elections.

Sinabi ni Andanar na marami sa mga ito ang tatakbo sa lokal na posisyon gaya ng pagka-kongresista.

Samantala, hindi naman na nagbigay pa ng ibang detalye si Andanar sa kung sino ang mga miyembro ng gabinete na nakatakdang magbitiw sa puwesto.

Wala ring ideya ang kalihim kung kasama sa naturang bilang si Presidential Spokesperson Harry Roque na sigurado aniyang tatakbo naman bilang senador.

—-

 

 

 

0 comment

Related Posts