7 Chinese nationals arestado sa Pasay

7 Chinese nationals arestado sa Pasay

by Powered by DWIZ
0 comment 47 views

Arestado ang pitong Chinese nationals matapos na tangkaing dukutin ang isang kapwa nila Chinese sa Pasay City.

Ayon sa PNP Aviation Security Group, nagpapatrolya sa departure area ng NAIA Terminal 3 si Patrolman Ronald Bercasi nang mapansin nitong pilit na isinasakay ng pitong suspek ang biktima sa isang puting van.

Dahil dito, sinita ni Bercasi ang mga suspek at kinapkapan kung saan nakuha sa mga ito ang mahigit 260,000 pisong cash, mga cellphones at posas.

Dagdag ng PNP-ASG, kanila ring nakumpirma sa biktima ang tangkang pagdukot dito sa tulong na rin ng interpreter.

Patuloy namang iniimbestigahan ang insidente habang inilipat na sa kustodiya ng PNP Anti Kidnapping Group sa Kampo Krame ang mga suspek at biktima.

0 comment

Related Posts